Former LP member and lawyer: 'Totoo ang Plan B, nagmamadali na nga si Aling Leni'

Former politician and ex-Liberal Party member Atty. Glenn Chong revealed that the 'Plan B' of the 'yellow group' is in place after MAGDALO member Gary Alejano filed an impeachment case against President Duterte.

Recent Post

Former politician and ex-Liberal Party member Atty. Glenn Chong revealed that the 'Plan B' of the 'yellow group' is in place after MAGDALO member Gary Alejano filed an impeachment case against President Duterte.

 Former LP member and lawyer: 'Totoo ang Plan B, nagmamadali na nga si Aling Leni'


Read his full statement below:

NAGMAMADALI NA SI ALING LENI

May hinala si Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng may kinalaman ang isinampang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte sa Plan B ng Liberal Party upang pumalit sa pwesto si Leni.

"Anything is possible kasi nga meron isang babae d'yan na nagmamadali na gustong pumalit sa ating Pangulo, pupuwede po na merong destabilization," sabi ni Alvarez.


Nang tinanong siya kung ang babaeng tinutukoy niya ay si Robredo, "Si Leni Robredo po," ang sagot ni Speaker.

Isinampa ang impeachment complaint ng kaalyado ni Trillanes sa umaga ng araw na March 16, 2017. Ito rin ang araw mismo ng pagpupulong sa Vienna, Austria kung saan ang side session tungkol sa EJK sa Pilipinas na ini-sponsor ng Council of Asian Liberals and Democrats at ng Liberal International, pawang mga kaalayado ng Liberal Party ng Pilipinas, ay nakatakda.

Ang side session na ito ay nakatakdang ganapin mula 1.10 hanggang 2.00 ng hapon, Central European Time, March 16, 2017. Dahil nauuna ang Pilipinas sa pag-ikot ng mundo, nauuna tayo ng 7 oras kaysa Austria. Ibig sabihin, noong nagfile si Alejano ng kanyang impeachment complaint, magmamadaling araw pa lang sa Austria, parehong araw. Alas 8.10 na ng gabi dito sa atin ng maganap ang side session na ito.

Wala ng session ang Kongreso dahil bakasyon nila ngayon. Alam ito ni Alejano. Alam din niyang walang aaksyon dito habang nakabakasyon ang Kongreso. Kaya nga sinabi ni Trillanes dati pa na ang impeachment complaint na isasampa laban sa pangulo ay sa Mayo pa dahil Mayo pa ang balik ng session ng Kongreso.

Pero bakit biglang isinampa ito ngayon?

Dahil gusto nilang siraan ng husto ang Pangulong Duterte sa harap ng international community sa araw na ito. Isang beses lang sa isang taon ang session ng UN Commission on Narcotic Drugs. Hindi nila palalampasin ang araw ng ito na hindi banatan at ipahiya ng husto ang pangulo.

Dahil gusto nilang ipakita sa harap ng international community na sinimulan na nilang banggain ang makapangyarihang pangulo ng Pilipinas kaya’t kailangan nila ang suporta nito upang tuluyang mapagbasak ang pangulo at mapalitan ni Robredo.

Kaya bumuhos ang atake ng mga tinaguriang destabilizers tulad ni Leni Robredo, Chito Gascon, Antonio Trillanes IV, at Gary Alejano sa pag-aakalang kaya nilang ipilit ang kanilang mga sarili sa sambayanang Pilipino.

Totoo ang Plan B. Nagmamadali na nga si Aling Leni.

Post a Comment

Emoticon
:) :)) ;(( :-) =)) ;( ;-( :d :-d @-) :p :o :>) (o) [-( :-? (p) :-s (m) 8-) :-t :-b b-( :-# =p~ $-) (b) (f) x-) (k) (h) (c) cheer
Click to see the code!
To insert emoticon you must added at least one space before the code.

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget