JEAN GARCIA ON DEATH PENALTY: ‘KUNG AYAW MO NG DEATH PENALTY, AYAW MONG MABITAY, TUMINO KA!'

Ayon sa ulat ng pep.ph ang batikang aktres na si Jean Garcia ay nagpahayag ng ukol sa panukalang-batas na ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas. Ipinaliwanag ni Jean kung bakit ganito ang kanyang opinyon.

Recent Post

Ayon sa ulat ng pep.ph ang batikang aktres na si Jean Garcia ay nagpahayag ng ukol sa panukalang-batas na ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Jean kung bakit ganito ang kanyang opinyon.

Saad niya, “Honestly, yeah, yes!

“A, depende, ayoko masyado… pero ibig kong sabihin, yung grabe talaga na mga... iyon, sa drugs, killer…

“Kasi ako, ang feeling ko kasi, kailangan na talaga ng disiplina, kailangan ng takot ng tao, kailangan marunong tayong matakot.

“Kasi hindi naman tayo ano, maski mga bata ngayon, alam ang tama at mali, di ba?

“Para magkaroon ng disiplina, mas maging safe ang country natin, di ba?

“Mas makakalakad na tayo sa kalye nang hindi tayo natatakot.

“Di ba, pag nasa Japan ka, lakad ka lang. Taipei, ganun rin.

“Kahit mag-isa ka, lakad ka, punta ka ng 711, punta ka ng ano… very safe, kahit madaling-araw, di ba?


“And we want that for our country, di ba?”

Patuloy ni Jean, “Especially, like ako, nanay ako, meron akong mga anak, gusto ko safe ang mga bata.

“So, ang sa akin, pag gumawa ka ng katarantaduhan, pagdusahan mo.

“Ngayon, kung ayaw mo ng death penalty, ayaw mong mabitay or whatever, tumino ka!

“Gumawa ka ng tama, di ba?”

Ayon pa sa aktres, “So, nasa sa tao yun.

“Hindi naman yung kasi gobyerno or kasi iyon yung opinyon ko, it’s not that, e. It’s you want to have a safe country, di ba?

“Tsaka magkakaroon din yun ng effect din sa bawat isa kung lahat tayo disiplinado.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, sa Dionisio Cornel Memorial Medical Center, Antipolo City, last week.

Ano naman ang masasabi niya na ang mga krimen lang na may kinalaman sa drugs ang kasama sa death penalty, pero ang rape ay hindi?

Saad ni Jean, “Yun na nga actually, ako, yung rape dapat kasama.

“Kasi, unang-una… sorry ha, hindi ako nagmamarunong, ako opinyon ko lang po ito, maraming hindi mag-a-agree sa akin, wala naman din akong pakialam dahil opinyon ko yun, di ba?

“Hindi ko naman sinabing maging opinyon nila, so opinyon ko lang.

“Kasi, bakit ba may mga rape victims, bakit ba may mga nangre-rape?

“Drugs din, di ba? O, di pareho. E, di bitayin na rin ‘yang mga ‘yan! Di ba?
source: pep

Post a Comment

Emoticon
:) :)) ;(( :-) =)) ;( ;-( :d :-d @-) :p :o :>) (o) [-( :-? (p) :-s (m) 8-) :-t :-b b-( :-# =p~ $-) (b) (f) x-) (k) (h) (c) cheer
Click to see the code!
To insert emoticon you must added at least one space before the code.

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget