Sa isang panayam ng GMA News kay Senador Antonio Trillanes, hiningi ang reaksyon ng dating mutineer patungkol sa paghahamon ni President Duterte sa militar na magsagawa ng kudeta kung hindi na nila gusto ang pamamalakad niya bilang Pangulo. Para kay Trillanes, nagpapasikat lang daw ang President.
“Alam naman niya kasi na professional ang ating armed forces at hindi gagawin iyon (kudeta). Kaya ano siya… nagpapasikat lang. Pero ako naman, hinihikayat ko yung mga sundalo natin na i-review ang mandato nila sa constitution para malaman nila kung ano ang limits ng kanilang Commander-in-Chief. Kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin.” sabi ni Trillanes.
Ayon kay Pangulong Duterte, nilapitan daw siya ni Trillanes noong eleksyon para maging ka-running mate niya, pero tinanggihan niya ito. Si Trillanes din ang may pakana ng kontroberysal na anti-Duterte ads, na kung saan ginamit ang mga bata para siraan si dating Mayor Duterte.
source: Public Trending
Post a Comment
Click to see the code!
To insert emoticon you must added at least one space before the code.